Nuffnang Ads

Saturday, May 11, 2013

MGA HIRIT SA ARAW NI MADIR!


Espesyal na araw ito para ISA sa PINAKADAKILANG tao sa BUHAY natin. Ang numero unong nagpoprotekta, nag-aaruga, kumakalinga, kaibigan at kakampi natin. Wala ng iba pa, kundi ang ating mga INA.  

Kaya naman maliit man o malaki, gagawa’t gagawa tayo ng paraan para maipakita at maipadama natin sa kanila ang ating LOVE.

Kung kaya’t para sa pinaka-una kong entry, iisa-isahin ko ang mga PARAAN na GINAGAWA natin para maging ESPESYAL ang ARAW NG MGA INA.

I LOVE YOU MOM E-CARDS/PICTURE MESSAGES
Malamang nung Biyernes pa lang nakapagpost ka na nito. Ito yung mga simpleng picture messages o e-cards na pwedeng i-share sa FB sabay bati ng HAPPY MOTHER’S DAY TO ALL THE MOMS.  Aminin mo, ginawa mo yan ‘di ba? Very good ka! Buti ka pa, kasi ako hindi pa ako nakapagpost nyan as of this writing.


SHARE-SHARE DIN NG MGA SONGS PARA KAY MOMMY
Si mama kanina pa share ng share ng mga kanta for Mother’s Day. Uso na naman ang SA UGOY NG DUYAN (nung bata pa ako, akala ko unggoy sa duyan, lol).  Hindi maiiwasan na maging SENTIMENTAL ang mga ina ngayong araw na ‘to kaya naman maraming nagse-share ng mga NAKAKAANTIG na kanta na naglalarawan kung gaano sila KADAKILA.

Narito ang ilan sa mga kantang tamang-tama, sapul na sapol, at talaga nga namang bagay na bagay sa araw na ito:
  

Spice Girls-Mama



POST NG PICTURES NAMIN NI MOMMY
Ito ang talagang tumiTRENDING ngayon. Kung noon DP ng picture ni mommy ang trip sa FB, ngayon PICTURES ni mommy o kaya mga pictures namin ni mommy with matching sweet messages pa. *katouch much*



POST NG SUPER TOUCHING MESSAGES
Bow ako sayo kung ginawa mo ito. Sumisentimental ang peg ng iilan, sobrang nakakatouch talaga ang messages na nilalagay nila. Nandyan yung sinasabi nila yung mga katangian ng nanay nila o kaya kung paano silang tinaguyod. Yung iba parang mga LIHAM kay Ate Charo pero super nakakatouch yun. 
  

VIDEO PRESENTATION PARA KAY MOMMY
Ito naman yung mga masisipag na gumawa at mag-edit ng videos. Ilalagay yung mga pics, may touching messages o quotes, at siyempre hindi mawawala yung song para kay mama. Ang pinakachallenging dito, yung iba eh nagseset ng target VIEWS at COMMENTS para masabi nilang parang pinagsigawan na rin nila sa buong mundo kung gaano nila kaMAHAL  at kung gaano sila kaPROUD sa kanilang mga nanay.

FLOWERS AND CARDS
Old but gold. Hindi mawawala ang mga patuloy na nagbibigay ng mga bulaklak at greeting cards sa kanilang mga nanay.  Old fashioned man tignan, may mga taong mas prefer ang ganitong pamamaraan, isa na ako don. Ikaw bet mo rin ba iyon?



REGA-REGALO DIN!
Ito yung mga nakakainggit kasi alanganing petsa ngayon pero may pera sila pambili ng regalo sa mga nanay nila. Buti pa sila…


POET ANG PEG
Ito ang isa pa sa mga hinahangaan ko, yung mga taong walang takot na nae-express ang nararamdaman nila at naipapahayag pa sa pamamagitan ng tula. Hanep! Ikaw na!

DATE-DATE DIN!
Ito yung araw na kapag nakita mo yung crush mong may dalang bulaklak at nakaporma, huwag kang malungkot o magselos dahil malamang i-dedate nya yung mama. Pero hindi lang ‘to sa mga lalaki siyempre, may mga girls din na dinedate ang mga mommies nila. Pumupunta sa mall, shopping-shopping, nagsasauna, nagpapaganda. Bongga!

ALIPININ MO AKO, DAHIL ARAW MO ‘TO!
Ito na siguro yung best na magagawa natin para sa mga nanay natin, ang pagsilbihan sila sa araw ng mga ina. Imagine all your life, sila ang kumakalinga sayo, naghahanda ng pagkain, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit. Ngayon, IT’S YOUR TURN TO SHINE! Magpakitang-gilas na at ikaw naman ang maghanda ng breakfast. Samahan mo na rin ng fresh flowers at greeting card.

Anumang pamamaraan ang gamitin natin, malaki man o maliit ang ibigay nating regalo o supresa sa kanila tiyak na maaappreciate nila. Siyempre, INA sila, sa kanila talaga natin mararamdam yung tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.  

Siyempre dedicated ang una kong post sa aking INA, bilang EPIC FAIL ang pick up line ko.

Sa lahat ng mga NANAY, HAPPY MOTHER'S DAY!

Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal mo sa iyong ina ngayong Mother’s Day?  I-comment mo na!


2 comments:

  1. Maligayang.. araw ng mga ina, sa iyong Ina.

    ReplyDelete
  2. ang ganda ng background... tamang tama sa tema mo.. ako? sa lahat ng okasyon..kahit mother's day PAGKAIN ang bida samin.. eh ikaw?

    ReplyDelete